Saturday, July 5, 2008

alamat ng payaso

Sa bayan ng Hua He, kung saan ang mga tao doon ay masayahin, palakaibigan at ni minsan ay di mo makikitang sumisimangot, ay may nakatirang isang magandang prinsesa, siya ay si Prinsesa Yue We. Sa kabila ng kanyang kagandahan ay siya namang sama ng kanyang ugali. Madalas niyang pinagtatawanan ang mga taong nasasaktan.
Isang araw habiang siya ay namamasyal may nakita siyang isang kuba. Humahagikhik siya sa pagtawa,lalu pa siyang natawa ng madulas ang kuba dahil nakatapak ito ng saging. Humalakhak pa siya ng malakas ng hindi makatayo ang kuba sa pagkakahiga. Ang di niya alam ay pinagmamasdan siya ng diwata.
Isang gabi, sa panaginip ng prinsesa ay nagpakita ang diwata at pinagsabihan siya nito na baguhin ang masamang ugali ng prinsesa, dahil kung hindi ay kanya itong parurusahan. Sa takot ng prinsesa ay nangako ito sa diwata na magbabago na. Pinanghawakan ito ng diwata at upang masubok ang prinsesa sa kanyang katapatan sa pangako, nagpanggap na isang dusdusing magpapalimos ang diwata. Sa pamamasyal ng prinsesa ay lumapit ang dusdusing magpapalimos, ngunit sa halip na bigyan ng kaunting limos ay sinagi niya ito at pinabayaang tumumba. Saka siya humalakhak ng napakalakas. Habang siya ay humhalakhak ay nagbalik na sa anyong diwata ang matanda. Nagulat ang prinsesa,iwingayway ng diwata ang kanyang kamay at isinumpa ang prinsesa na magiging payaso habang buhay. At kanya ding sinabi na simula sa araw na iyon ay pagtatawanan at magpapatawa siya ng mga tao. Nagsisi ang prinsesa sa kanyang nagawa nagmamaka-awa siya sa diwata ngunit hindi siya nito pinakikinggan, habing buhay ng naging payaso ang prinsesa.

No comments: