Wednesday, July 23, 2008

ANG ALAMAT NG NIYOG

ANG ALAMAT NG NIYOG

Noong unang panahon, may isang batang nagngangalang Miyog. Siya ay napakaliit n bata na halos kalahati ng isang normal na bata, ngunit mayroon siyang napakataas na pangarap, na balang-araw, siya ang magbabangon sa kanyang mga magulang sa kahirapan at magtataguyod sa buhay.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, daing sa hirap at laging pagod sa paghahanap-buhay ang mga magulang ni Miyog. Lagi niyang binabalak na tumulong ngunit pinapa-galitan lamang siya ng kanyang ama at sinasabing, “huwag ka ng tumulong, maliit ka, wala kang maitutulong at sa halip ay makakaperwisyo ka pa”. Kaya sa tuwing umaalis ng bahay ang kanyang mga magulang upang maghanapbuhay, palihim na lang niyang nililinis ang kanilang tahanan at maging ang kapaligiran nito bilang tulong, ngunit hindi ito napapansin ng kanyang mga magulang.

Isang gabi, nag-usap ang mag-asawa.” Kahit ano gawin nating pagsisikap ay hindi pa rin tayo makaahon sa ating pagkakalugmok. Habang tumatagal, lalo tayong naghihirap”, sabi ng ama. Ang ating anak, mula nung iniluwal ko siya ay naging kakambal na naten ang kahirapan, malas na siya wala pa siyang pakinabang”, ang sabi ng ina. Ngunit ang hindi nila alam ay naririnig pala sila ni Miyog.

Dahil sa sama ng loob, naisip ni Miyog na umalis upang mag-isip-isip. Buong gabi siyang umiyak ng umiyak.

Kinabukasan ng madaling araw, lumayas siya at sa harap ng kanilang pinto ay nag-iwan ng sulat na naglalaman ng kanyang hinanakit. Panandalian siyang tumigil at sinabi niya, isinusumpa ko, lalaki rin ako, titingalain ng maraming tao, mararamdaman nyo rin na isa akong malaking kawalan sa inyo. Kasabay ng pagtakbo niya mula sa kinatatayuan ang pagtulo ng luha.

Ilang araw na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin nila napapansin ang pagkawala ni Miyog. Ngunit isang gabi pag-uwi nila, napansin din nila ang dumi at kalat sa bahay ganun na rin ang paligid nito. Hindi naglaon, nagkasakit ang ama ni Miyog dahil sa mga insektong dumumog sa kanilang kapaligiran dahil sa dumi at nabubulok na nakapaligid sa bahay. Noon nila napagtanto na wala na pala si Miyog sa kanila at siya lamang ang posibleng naglilinis ng paligid nung siya’y nandito pa.

Ilang linggong hinanap ng ina si Miyog ngunit hindi niya ito makita. Napaupo na lamang ang ina at napapikit sa may pinto at sinabing,” Miyog, anak, kung nandito ka lamang sana ay maayos ang kalagayan ng iyong ama. Pagmulat niya nasilaw siya sa isang liwanag kasabay ng pagtubo ng isang puno na may bunga. Kasabay din nito ang pagkakita sa sulat na ginawa ni Miyog. Habang nagtatagal ay lalong dumadami ang puno at napakinabangan ng tao ang lahat ng parte nito mula ugat hanggang dahon. Laking pasasalamat ng mga tao doon at isang malaking pakinabang ang punong iyon sa kanila, nagsilbi itong pagkain, inumin, at maging gamot sa mag sakit at kung anu-ano pang gamit ang makukuha dito.” Siguro nga ay si Miyog ang punong iyan, nagsisisi akong nasabi kong wala siyang pakinabang”,ang sabi ng ina. Di naglaon, tinawag nila itong punong miyog, hanggang sa naging puno ng niyog.

Hanggang sa ngayon, tinitingala at napakalaki pa rin ng pakinabang ng mga tao sa puno ng niyog. Dito nakukuha ang karamihan sa ipinagmamalaking mga produkto ng Pilipinas.






BY: KRISTEL JOY C. MANILA
BSN2-5

Saturday, July 5, 2008

"ang alamat ng duling"

Isang araw may magandang babae na kaakit-akit. Madaming kalalakihan ang nahuhumaling sa kanya, dahil sa kanyang malarosas na labi, mapupulang kutis at lahat ng magagandang aspeto sa isang babae ay nasa kanya na, na siya namang nagbibigay ng kakinangan sa kanyang katauhan. Hindi alam ng mga tao na sa kanyang panlabas na kaanyuan ay kabaligtaran naman nito ang panloob na ugali.Ang magandang babaeng ito ay mahileg manloko ng mga lalake, namimili lamang siya ng kanyang kakaibiganin. Patuloy-tuloy lamang sa kanyang ginagawa, tuwing siya ay nakikipag relasyon ay laging dalawa. Hangang sa nalaman ng isang lalaki ng nagmamahal sa kanya na niloloko lamang siya ng pinakaamahal nyang kasintahan. Dahil sa galit sa babae nagawa nyang isumpa ang kanyang pinakamamahal na babae "sinabi nyang magiging duling ito habang- buhay at pag siya'y totoong umibig siya naman ngaun ang iiyak". Isang umaga pag-gising ng dalaa humarap sya sa salamin at nagtaka kung bakit dalawa ang nakikita nyang mukha. Nagsisisgaw ang dalaga, dumating ang kanyang ina, sinabi nya sa kanyang ina na dalawa ang kanyang nakikitang itsura. Ngunit hindi naman ito nakaikita ng kanyang ina tanging siya lamang ang nakkaalan at nakakakita. Tanging ang tunay lamang na iibigan ng dalaga ang makakakita na siya ay isang duling. Nagpatuloy-tuloy pa din ang buhay niya ay normal. Hanggang sa totoong nagmahal na ang dalaga, ayaw sa kanya ng binata dahil sa kpansanan niya, kaya naman nagpasya ang dalaga na tapusin na lamang ang kanyang buhay kung hindi rin naman niya makakasa ang kanyang tunay na minamahal.

alamat ng payaso

Sa bayan ng Hua He, kung saan ang mga tao doon ay masayahin, palakaibigan at ni minsan ay di mo makikitang sumisimangot, ay may nakatirang isang magandang prinsesa, siya ay si Prinsesa Yue We. Sa kabila ng kanyang kagandahan ay siya namang sama ng kanyang ugali. Madalas niyang pinagtatawanan ang mga taong nasasaktan.
Isang araw habiang siya ay namamasyal may nakita siyang isang kuba. Humahagikhik siya sa pagtawa,lalu pa siyang natawa ng madulas ang kuba dahil nakatapak ito ng saging. Humalakhak pa siya ng malakas ng hindi makatayo ang kuba sa pagkakahiga. Ang di niya alam ay pinagmamasdan siya ng diwata.
Isang gabi, sa panaginip ng prinsesa ay nagpakita ang diwata at pinagsabihan siya nito na baguhin ang masamang ugali ng prinsesa, dahil kung hindi ay kanya itong parurusahan. Sa takot ng prinsesa ay nangako ito sa diwata na magbabago na. Pinanghawakan ito ng diwata at upang masubok ang prinsesa sa kanyang katapatan sa pangako, nagpanggap na isang dusdusing magpapalimos ang diwata. Sa pamamasyal ng prinsesa ay lumapit ang dusdusing magpapalimos, ngunit sa halip na bigyan ng kaunting limos ay sinagi niya ito at pinabayaang tumumba. Saka siya humalakhak ng napakalakas. Habang siya ay humhalakhak ay nagbalik na sa anyong diwata ang matanda. Nagulat ang prinsesa,iwingayway ng diwata ang kanyang kamay at isinumpa ang prinsesa na magiging payaso habang buhay. At kanya ding sinabi na simula sa araw na iyon ay pagtatawanan at magpapatawa siya ng mga tao. Nagsisi ang prinsesa sa kanyang nagawa nagmamaka-awa siya sa diwata ngunit hindi siya nito pinakikinggan, habing buhay ng naging payaso ang prinsesa.